FILIPINO: Wika ng Pagkakaisa
Tuwing Agosto ng taon ipinagdiriwang natin ang ating wikang
Filipino. Bilang isang mamamayang Pilipino, isa tayo sa mga taong nagdiriwang
ito. Itong pagdiriwang na ito ay nagpapabalik tanaw sa ating kasaysayan kung
paano naboo an gating wika. Maraming mga Gawain ang bawat paaralan sa
pagdiriwang na ito. May iba’t ibang patimpalak, isa na rito ay ang paggawa ng
tula, sanaysay, mga sayaw at iba pa. sa buwang ito mas naiitindihan nating mga
Pilipino ang kahalagahan ng wikang Filipino. Hindi lamang sa buwan ng Agosto
ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika kundi dapat araw-araw dahil ginagamit natin an
gating wika bawat Segundo, minuto at araw sa ating buhay. Sa buwang ito ang
tema ay “FILIPINO: Wika ng Pagkakaisa.”
Una sa lahat, ang wika ang pinakamatandang regalo ng Maykapal sa
kanyang mga nilalang. Ito ay tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan
niya sa kapwa, sa asosasyon at maging sa dakilang bathala. Malaki ang
nagagawa ng wika sa pagkakaroo ng magandang unawaaan, ugnayan at mabuting pagsasamahan
o pagkakaisa. Kung wala an gating wika, paano kaya nagkakaiitindihan ang mga
tao. Paano kaya mapapabilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya
mapapalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod
na katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing o anumang paraang, maaring
likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng katanungan. Sa lahat ng ito,
kailangan ng to ang wika.
Naiparamdam ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot,
ang kabutihan ng layunin. Wika parin ang pinakahalagang sangkap sa anumang
paraan ng mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon. Gamitin natin ang itng
wika sa tama.