Wednesday, 27 August 2014

Buwan ng WIka

                   
                     FILIPINO: Wika ng Pagkakaisa


                    Tuwing Agosto ng taon ipinagdiriwang natin ang ating wikang Filipino. Bilang isang mamamayang Pilipino, isa tayo sa mga taong nagdiriwang ito. Itong pagdiriwang na ito ay nagpapabalik tanaw sa ating kasaysayan kung paano naboo an gating wika. Maraming mga Gawain ang bawat paaralan sa pagdiriwang na ito. May iba’t ibang patimpalak, isa na rito ay ang paggawa ng tula, sanaysay, mga sayaw at iba pa. sa buwang ito mas naiitindihan nating mga Pilipino ang kahalagahan ng wikang Filipino. Hindi lamang sa buwan ng Agosto ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika kundi dapat araw-araw dahil ginagamit natin an gating wika bawat Segundo, minuto at araw sa ating buhay. Sa buwang ito ang tema ay “FILIPINO: Wika ng Pagkakaisa.”
                   Una sa lahat, ang wika ang pinakamatandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga nilalang. Ito ay tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon at maging sa dakilang bathala. Malaki ang  nagagawa ng wika sa pagkakaroo ng magandang unawaaan, ugnayan at mabuting pagsasamahan o pagkakaisa. Kung wala an gating wika, paano kaya nagkakaiitindihan ang mga tao. Paano kaya mapapabilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapapalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing o anumang paraang, maaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng to ang wika.

                   Naiparamdam ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang kabutihan ng layunin. Wika parin ang pinakahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon. Gamitin natin ang itng wika sa tama. 

1 comment:

  1. Your work really inspires me. I like the way how you tackle the particular topic. Keep up the good work!

    ReplyDelete